3.27.2006

Morning Mush

Turned on the radio.. tuned to RX..

What if I took my time to love you? What if I put no one above you?

Shheeeet. Reminisce ka na naman.. For the love of God Corie.. 8 am pa lang.. wag kang mag inarts..( Eh baket naman kasi yan ang pinapatugtog diba?!!)

What if I did the things that really mattered?

I remember... last week yata un.. may nakatabi ako sa FX... kamukhang kamukha mo.. akala ko nga ikaw un eh..parehong maputi... peircing eyes.. tapos may goatee pa... pati ung pag smile nyo pareho.. pero naalala ko.. mejo mabalbon ka ng konti sa braso.. saka siya straight. ikaw kulot.(in ur terms.. mejo wavy lang.) Oh well..

What if I ran through Hoops of disaster?

Hindi ko alam.. pero lately.. lagi na naman kitang naalala.. I was busy as hell with school and other stuff.. ni hindi ko na nga minsan napapansin ung mga nagtatampo kong friends sa sobrang ka busy-han ko.. pero hindi ko malaman.. bakit ikaw ung laging sumisiksik sa utak ko...

No one would care if we never made it. We're in this alone so why don't we face it.

Hindi kaya dahil sa mga "signs" na naman na yan? The VIOS sign.( na kapag nakakita ako ng 3 red na VIOS na sunod sunod.. that means that you were here.. and somehow thinking of me). ABA! hindi lang 3 red na VIOS ung nakita ko nung nakaraan.. 6 sila na red VIOS tapos may isang blue at 2 black VIOS pa sa tabi..natuwa ako pero ang sabi ng friend ko.. invalid daw ung pag hingi ko ng sign na ganun.. kasi shempre.. MANILA ito.. natural na maraming VIOS sa kalye...ok.. cge.. bummer.

There is no room to blame one another we just need time to forgive each other

Hindi ko na inungkat ung VIOS thingy.. kahit na minsan.. talagang kahit sa harap ng bahay namin.. sunod sunod ung daan ng RED na VIOS.. wala lang.. kiber..keep in your mind.. MANILA ito.. MANILA ito..
Mejo naloka lang ako nung nasa BULACAN kami, sa may San Jose Del Monte .. biruin mo.. nasa liblib kami na lugar dun sa San Jose.. pero may nakita pa rin akong sunod sunod na red at blue na VIOS..as in dumaan talaga sa harap namin..Lord.. sign na ba ito?

What about love? What about feeling?

Ilang years na ba nung nagkakilala tayo? 3.. 4 years na ba? 2002 yun diba? Around October ba? Ang saya natin nun.. nakakamiss ung mga panahon na un.. ung masama ung araw ko.. tapos tatawag ka, just to check up on me.. tapos.. hihinga ako ng sama ng loob sayo.. tapos sasabihin mo sakin.. everything will be alright.. tapos maniniwala naman ako sau..kasi feeling ko.. lagi akong safe kapag nandyan ka.

What about all the things that make life worth living?

Naalala ko pa dati.. ung first time na pumunta ka ng bahay..una.. tumawag ka lang.. tinatanong mo kung san ba ung direction ng bahay namin..sabi mo kasi nasa dapitan ka na.. nakakagulat ka.. hindi nga ako prepared nun.. naghanap pa ako ng excuse para lang makababa ng bahay.. sinilip kita dun sa bintana sa kwarto.. sakto.. kakarating mo lang.

What about faith?

Suot mo non.. Jacket na red.. tapos naka cap ka.. galing ka sa barkada mo? Mejo hinihingal ka pa ng konti.. kasi ba naman.. bakit sa central ka bumaba? nilakad mo mula central hanggang sa amin. pano ka hindi hihingalin. Excited ako. First time mo pumunta sa amin. Lakad tayo.. ipapa photocopy ko kunwari yung grades ko.. nung nasa kanto.. nakita tayo ni ate.. nyahaha. kahit ako natakot.. bad mood yata si kapatid kaya hindi namamansin. Pinakita mo saken ung rashes mo dun sa blood letting.. wawa ka naman.. ang puti mo pala... hindi ko napansin dati.. kala ko kasi mejo moreno ka eh..Nag tetext na si ate.. pinapauwi na ko.. pero sige lakad pa rin... naghanap ako ng ibang way papunta sa amin.. para mejo matagal pa kami mag lakad.. parang ayokong matapos ung gabing un...

What about trust?

Kinikwento mo saken yung mga ka weirdohan mo.. na sinusundan mo ko sa mall.. na nasa likod mo lang ako habang naglalakad kami ng mga barkada ko..na.. nakita mo kong may kasamang guy sa Quantum.. na bagay kami nung guy.. (bagay pag umpugin.. nyahaha) ...na.. ayaw mo ng makita akong naglalakad mula AvanceƱa hanggang sa amin..kung hindi.. itutuloy mo yung pag yoyosi mo.. Gusto kitang I hug.. pero nahihiya ako.. ewan ko ba.. sana na hug kita nun... Marami ng text sakin si ate pero hindi ko pinapansin.. usap pa rin tayo.. Matagal ba tayong nag usap? Hindi ko namalayan.. parang kulang pa eh.. Pinapaakyat mo na ako kasi baka magalit saken si ate.. inamin mo rin na natakot ka kay ate..bleh!

And tell me baby...what about us?

Yung huling beses na nagpunta ka sa bahay.. marami ng nangyari.. maraming nagbago..Pumunta ka ng bahay.. amoy yosi ka.. alam mo nang itatanong ko kung bakit ka amoy yosi.. sabi mo isang stick lang kasi tensyonado ka..Sabi ko.. e di itutuloy ko ung paglalakad ko.. nagalit ka.. sabi mo ayaw mo ng away ngaun..gusto mo lang magusap tayo.. Gusto sana kitang paakyati sa taas.. pero biglang dumating si ate.. hindi kita mapaakyat kasi hindi nagustuhan ni ate ung pag iyak ko nung last time na nagkausap tayo.. Sabi ni ate.. ang tanga tanga ko daw.. bakit pa kita kakausapin.. Pero binalewala ko yun.. kasi natatakot ako na baka ito na yung last time na magkikita tayo..

How can I give this love a new beginning?

Buong araw akong pinagiisipan kung ano ung ilalagay sa sulat ko sayo.. Binalot ko na ung regalo ko kay Kurt.. sana bumagay.. sabi mo bibigya mo ko ng picture nya diba? Pati ung angel na kulot.. =) Kumain tayo sa labas.. kasi gusto ko sanang magusap tau.. Pinakita mo sakin ung visa mo.. ang pangit ng picture.. heheh. nakakatuwa nga.. kasi kapag nagsasalita ako.. hindi ako makatingin sayo.. dahil alam kong nakatitig ka sa akin..tapos kapag ikaw naman ang nagsasalita.. hindi ka rin makatingin ng direcho kasi alam mong tinititigan kita..para tayong mga bata.. mukhang mga baliw.. ayokong matapos ung gabi na ito. (pwede bang wag ka na lang umuwi... dito ka na lang hanggang dumating ung flight mo..)


How can I stop the rain? It's never ending

Sheeeeeeeeeeet. Tapos na yung 2 year contract mo jan. Nasa Pinas ka na ba? Hindi ka pa rin nagpaparamdam. Akala ko ba walang kalimutan. Ikaw pa nga yung nagsabi na sana walang magbago. Ikaw ung nangako na babalik ka pa rin.. na kahit anong mangyari.. mag stay pa rin ung friendship. Pero anong nangyari.. nasaan ka na?

How do I keep my soul believing? Memories of how we should be keep calling

Birthday mo kahapon.. hindi ka nagparamdam.. Iba na talaga siguro ngaun.. Marami na talagang responsibilidad. Sa sobrang dami.. kinalimutan mo na ako. Kinalimutan mo na yung lahat lahat. Nalulungkot lang ako.. kasi nawalan ako ng kaibigan. Akala ko kasi forever friends na tayo eh. diba nga.. ang usapan ninang ako? tapos maglalaro si Kurt saka si Heart together? =)

I'll take the rivers rise

Sana kung nasaan ka man.. masaya ka. Maligaya kau. As I have told you before.. I still pray for you and your family every night. Kasama kau lagi sa mga prayers ko. I wish nothing but the best for you guys.

I'll take the happy times I'll take the moments of disaster

I have those memories with me naman eh. I am happy na somehow.. naging part ka ng buhay ko. Masaya man o masalimuot, No regrets pa rin. It was one hell of a ride. Thank you birthday boi. =)

***************

Song Playing : What about love - Lemar

3.05.2006

Sorry for my emotional outburst last time..Super fresh pa kasi yung issue nun.. kaya warla ako magsulat.. hehe

Well.. thankfully everything is cool now. He apologized (like for the nth time) nyahaha.

First of all.. I never really HATED him.. I could never hate a person. I may say that I hated a person.. pero eklat lang un.. Kumbaga.. I can only hate a person if TO THE MAX na talaga yung kasamaan na ginawa nya. And for the record.. wala pa naman akong taong HATE as in HATE.. I am a loving person.. not a hateful one. naks!

And siguro.. super stressed out lang ako this past few weeks about the thesis, exams, projects..kaya siguro naging super sensitive ako.. (siguro..)

Super thanks.. kasi tapos na ang defense.. Still.. hindi pa rin maka pag relax because of the Compre Exam this friday.. grrr. puyatan na naman ito..

Gosh.. a loooooooot of things happened this week.. and I don't know where to start... well.. it things were'nt that smooth sailing at first.. pero at least nung huli.. mejo ok na rin.. and it ended really great.. coz I was with my PLM friends.. (God, I missed you so much guys!) Kahit ngarag.. and super tired.. ok pa rin.. kasi matagal tagal din kaming hindi nagkikita.. actually.. it was Mac's Birthday. (though.. hindi naman talaga si Mac ang ipinunta ko dun no - clarification lang para sa mga Lemontears jien.. hehehe)

Ayun.. so para naman mejo updated kau sa mga pinagsasasabi ko..
here are some of the pictures na naupload ko na.. starting with..


... yikeees! bagal ng connection dito sa bahay.. next time ko na lang ipost.. hehehe. cge.. antok na ko.. good night people!

3.02.2006

Galit kita


I HATE YOU!


no, actually HATE is a big word.. pero parang malapit na dun. NAKAKAINIS KA!!!!

Even if I don't talk about it all the time.. and not complaining if you bring up the topic most of the times..that does not mean that IM OK about it.. or that I'm already over it...

YOU, OF ALL PEOPLE ...you are the one who should understand kung gaano ako ka sensitive sa bagay na yun..REMEMBER what happened sa Oody's? OK.. pinalagpas ko na yun.. I know you did not mean anythign bad.. and so does Dean.. pero that hurt me.. Until now.. your words are still ringing in my ears.. I cried my self to sleep for 3 days when that happened.. Does my pain bring you happiness huh???

OK you apologized and promised never to do that again. BUT the damage was done... Can you undo what you've done? or maybe can you erase the memory of what just happened kanina sa elevator? You also apologized the last time.. pero here you go again.. throwing words at me like flaming knives.. grrrrrr.

Just leave the kid out of this mess.



 
Template by suckmylolly.com